-- Advertisements --

Tinanggal na simula ngayong araw ng lungsod ng Maynila ang liquor ban.

Sa inilabas na kautusan ni Mayor Isko Moreno, na kahit na lifted na ang nasabing liquor ban ay bawal pa rin na pagbentahan ang mga menor de edad.

Mahigpit din ipinagbabawal sa nasabing lungsod ang pag-inom ng mga nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.

Magugunitang noong Marso 28 ng ipinatupad ng alkalde ang liquor ban para maiwasan ang mga residente na lumabas dahil sa ipinapatupad na community quarantine bunsod ng coronavirus pandemic.