-- Advertisements --
Sinimulan na ng Academy Awards o kilala bilang Oscars Awards ang mga nakatakdang magtanghal para sa taong ito.
Ayon sa organizers na kinabibilangan ito ni Lisa ng Blackpink, Doja Cat at Raye.
Kasama rin na magtatanghal si Queen Latifah at “Wicked” stars na sina Cynthia Erivo at Ariana Grande.
Magugunitang nanguna sa nominasyon ang pelikulang “Emilia Perez” na may 13 na sinundan ng “Brutalist” at “Wicked” na may tig-10.
Gaganapin ang 97th Academy Awards sa darating na Marso 3 sa Los Angeles kung saan ang host ay si Conan O’Brien.