-- Advertisements --

Ipinasilip ni Blackpink member Lisa ang ilang behind-the-scene ng kaniyang “Rockstar” music video.

Sa kaniyang YouTube channel ay nagpost ito ng tatlong minutong video clip mula sa iba’t-ibang set ng “Rockstar”.

Makikita rin ang pag-eensayo niya ng pagsayaw ganun din ang pag-make up habang nakasuot na kulay itim na damit.

Nitong Hunyo 28 ng ilabas nito ang “Rockstar” tatlong taon matapos ang paglabas niya ng solo debut at ang hit song niya na “Money” at “Lalisa” noong 2021.