-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta si BlackPink member Lisa sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa kaniyang agency na LLOUD na ilalabas ng 27-anyos na singer ang kantang “Moonlit Floor”.

Sa darating na Oktubre 4 dakong alas-8 ng umaga ng ilalabas ang nasabing kanta.

Bago ang pormal na pagpapalabas ay kinanta na ng singer ito sa 2024 Global Citizen Festival na isang taunang music festival na ang layon ay matugunan ang labis na kahirapan na ginanap sa New York.

Ang nasabing bagong kanta ay kasunod sa mga naunang kanta ng singer na “Rockstar” na inilabas noong Hunyo at ang kantang “New Woman” kasama si Spanish singer Rosalia noong Agosto.