-- Advertisements --
Labis na ikinatuwa ni Lisa ng BLACKPINK matapos na siya ang unang K-pop artist na nagtanghal sa Oscars Award.
Kinanta nito ang “Live and Let Die” ng Wings sa 97th Academy Awards na ginanap sa Dolby Theater sa Hollywood.
Bukod sa kaniya ay kasama niya sa tribute performance ang US rapper at singer na si Doja Cat na kumanta ng “Diamonds Are Forever” ni Dame Shirley Bassey at British singer-songwriter Raye na kumanta rin ng “Skyfall” ni Adele.
Magugunitang kasama ni Lisa si Doja Cat at Raye sa kanta nitong “Born Again” na inilabas noong Pebrero 7.
Noong nakaraang taon ay inilabas niya ang tatlong kanta na “Rockstar”, “New Woman” at “Moonlit Floor (Kiss ME)” .