Kasalukuyan ng biniberipika ng Commission on Elections ang listahan ng “Potential Election Areas of Concern” na isinumite ng Philippine National Police (PNP).
Paliwanag ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang ilang mga parameter na ikinokonsidera sa pagtukoy sa mga areas of concern sa halalan ay ang mga validated election-related incidents at ang intense political rivalry sa ilang mga lugar at ang presensiya ng pribadong armadong grupo.
Tumanggi naman ang PNP official na maglabas ng numero at kung saang mga lugar dahil sa posibleng implikasyon nito sa kanilang pagtukoy sa posibleng areas of concern.
Inihayag din ni PCol. Fajardo na ang layunin ng pagtukoy sa mga areas of concern ay para madetermina din kung ilang kapulisan ang itatalaga sa naturang mga lugar gayundin kung ilan ang ilalagay sa ilalim ng Comelec control.