-- Advertisements --

Inilabas na ng FIBA ang 21-man lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pinangungunahan ito nina Thirdy Ravena, naturalized player Angelo Kouame, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, William Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

Kabilang din ang ilang mga PBA players na sina Jayjay Alejandro, Gab Banal, Jayson Castro, Carl Bryan Cruz, Poy Erram, Matt Ganuelas-Roser, Glenn Khonbuntin, Kib Montalbo, RJ Reyes, Troy Rosario at Kelly Williams.

Hindi naman kasama si RR Pogoy dahil ito ay mayroong injury.

Tiwala naman si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na mangingibabaw ang national basketball team sa nasabing torneo.

Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa Pebrero 24 habang haharapin nila ang India at New Zealand sa Pebrero 25 at 27.

Sa Pebrero 28 naman ay makakaharap nila ang South Korea.

Kuwalipikado na sa World Cup ang bansa dahil isa sila sa mga host countries kasama ang Japan at Indonesia.