Naisumite na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Senado ang listahan ng halos 2,000 heinous crime convincts na tinutugis ngayon ng gobyerno.
Ito’y kasunod ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay BuCor chief Nicanor Faeldon kaugnay ng kontrobersyal na implimentasyon ng good conduct time allowance (GCTA) mula 2013.
Kabilang sa mga convicted na nakalaya na ay may kinakaharap na kasong rape (939), murder (874), at illegal drugs (261).
Nasa 445 convicts naman ang nakalaya sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Habang sa kasalukuyang administrasyon ay nasa 1,714.
Pinakamarami rito ang may kinakaharap na kasong murder (748), rape (745) at illegal drugs (156).
Hawak ng Senate blue ribbon committee ang listahan matapos hilingin sa BuCor.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng committee on justice ngayong araw, inamin ni Senate Pres. Tito Sotto na may ilalabas siyang witness na maglalahad umano ng mga anomalya sa loob ng BuCor.