Pinaplantsa na ng Department of Social Welfare and Development ang listahan ng mga buntis at nagpapasusong mga ina na ibibilang sa iba pang serbisyo ng ahensya sa ilalim ng 4ps .
Ang hakbang na ito ay ginawa ng ahensya matapos ang naging direktiba ni PBBM sa kagawaran na isama ang mga buntis at nagpapasusong nanay sa mabibigyan ng ayuda sa ilalim ng programa.
Sa isang pahayag, sinabi ni 4Ps National Program Manager and Dir. Gemma Gabuya, ang mga buntis at breastfeeding mom ay makakakuha ng karagdagang P400 na tulong pinansyal mula sa kasalukuyang P750 na ayuda.
Layon ng programang ito na matutukan ang unang 1000 days na kritikal naman sa paglaki at at development ng mga bata.
Makatutulong rin ito na maiwasan at mabawasan ang mga kaso ng malnutrisyon at pagkabansot.
Nilinaw naman ng ahensya ang tulong na ito ay para lamang sa kasalukuyang miyembro ng programa na buntis at nagpapasuso.