BAGUIO CITY – Hinihintay pa ng Police Regional Office-Cordillera (PROCor) ang listahan ng mga nabilanggo mula sa Cordillera na nagbenepisyo sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ayon kay Major Carolina Lacuata, tagapagsalita ng PROCor, kapag naipasakamay na sa kanilang opisina ang listahan ay nakahanda ang mga pulis na sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga napalayang bilanggo.
Gayunpaman, hinihikayat ni Lacuata ang mga beneficiaries ng GCTA law na sumuko na lamang ng kusa ang mga ito sa pulisya para walang maging problema.
Maaalalang ipinag-utos ng Pangulo ang pagsurender ng mga napalayang bilanggo sa loob ng 15 na araw pero kung hindi susuko ang mga ito ay aarestuhin sila ng mga pulis at baka manganib pa ang kanilang buhay kung sila ay lalaban.