Naibigay na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga hindi pa bakunadong mga indibidwal galing sa 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año gagamitin ang listahan na ito para maging basehan upang mabigyan ng pansin ang vaccination strategy sa mga barangay.
Karamihan kasi aniya dito ay mga lugar na malalayo kung kayat ito rin ang magiging stratehiya kung paano mapapaabot ang bakuna sa naturang mga lugar.
Binigyan na rin aniya ng target goals kung ilan ang mga babakunahan. Sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM), nakikitang nagimprove na ang vaccination rate sa rehiyon na dati ay nasa 10% ngayon ay nasa 305 na.
Pagtutuunan aniya ng pansin ang mga lugar na may mababang vaccination rates kung saan magpapadala ng mga karagdagang volunteers at mas maraming mga bakuna.
Maliban dito, patuloy din ang malawakang information campaign ng pamahalan sa kahalagahan ng pagiging proektado laban sa virus sa hanagring mapataas ang tiwala ng puliko sa bakuna.