Isusumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng mga posibleng mamamahala sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na Maharlika Invstment Fund.
Ito ang ibinunyag ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Aniya, irerekomenda ng Advisory Body sa Setyembre 29 kay PBBM ang pagtatalaga ng Presidente at CEO ng Maharlika Investment Corporation (MIC) Board of Directors kasama ang dalawang directors at 3 independent directors.
Binubuo ang Advisory Body ng kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA), at Bureau of the Treasury (BTr).
Nataasan din ang naturang advisory body para i-assist ang Board of Directors ng MIC sa pagbuo ng mga polisiya may kinalaman sa investment at risk management.
Samantala, ang deadline para sa application at nomination period para sa board of directors ng MICa ay sa araw ng Miyerkules, Setyembre 27, 2023.