-- Advertisements --
image 346

Sa kauna-unahang pagkakataon ay masisilayan ng mga basketball fans ang pagpasok ng tatlong babaeng referee sa kasaysayan ng FIBA World Cup.

Inanunsyo na kasi ng FIBA management ang pangalan ng mga magiging referee kung saan bahagi dito ang tatlong mga babaeng basketball referee na kinabibilangan nina Amy Bonner, Blanca Burns and Jenna Reneau

May kabuuang 44 ang bilang ng mga ito.

Batay sa listahang isinapubliko ng FIBA, ang average na edad ng mga referee ay 40.2 years. Nasa 31 ang edad ng pinakabata habang 51 anyos naman ang pinakamatanda.

Nanggaling ang mga ito sa ibat ibang mga bansa katulad ng US, United Kingdom, China, at iba pa.

Samantala, mahigit 25 sa mga pinangalanang referee ay dati nang naging bahagi ng fiba habang ang iba ay mayroon ding karanasan sa Olympics.

Isa sa mga ito ay mayroon nang 28 taon na karanasan bilang isang referee.

Unang sumalang ang maraming mga referee mula sa ibat ibang bansa sa apat at kalahating buwan na pagsasanay kasama ang mga Basketball expert hanggang sa tuluyang napili ng management ang final-44.

Samantala, sasalang muli sa pre-competition camp ang mga nasabing referee sa Manila bago sila mai-deploy sa ibat ibang venue.