Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang mga listahan ng mga karamdaman na taglay ng isang na maaaring maturukan ng COVID-19 vaccine.
Aabot kasi sa 14.5 milyong katao ang may comorbidities o karamdaman subalit paglilinaw ng DOH na hindi lahat ng mga may taglay na karamdaman ay makakatanggap ng bakuna.
Sinabi ni Dr. John Wong isang miyembro ng Inter Agency Task Force for Infectious Disease, ang sinumang tao na may taglay ng mga sumusunod na sakit gaya ng chronic respiratory disease, hypertension, cardiovascular disease, chronic kidney disease, malignancy, diabetes mellitus at obesity ay maaaring mabigyan ng bakuna.
Paliwanag ni Wong, ang mga tao na mayroong sakit ay mas lalala pa ito kapag sila ay dinapuan ng COVID-19.
Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech ay maaaring iturok sa mga may sakit na kayang ikontrol pa.
Habang ang AstraZeneca vaccine ay maaari ring iturok sa mga senior citizens.