-- Advertisements --

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng cross validation sa data na hawak ng Senado ukol sa umano’y “ninja cops” o ang mga pulis na dawit sa pag-recycle ng iligal na droga.

Ayon kay Sen. Bong Go, kinausap siya ng Pangulo para sabihing tuloy ang panukalang paglalaan ng reward money sa mga makakapagdala ng ninja cops.

Aabot sa P1 million umano sa makakapatay, habang kalahating milyon naman kung buhay ang maitu-turn over na pulis.

Una rito, nagpasya ang 17 senador na isapubliko na ang pangalan ng nasabing mga tiwaling pulis na ibinunyag ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Iginagalang naman ni Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon ang desisyon ng mga kasamahan niya hinggil sa paglalabas ng listahan.

Katunayan, noong nakaraang linggo pa raw niya nais ipursige ang pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga suspected ninja cops.

“We welcome the decision of the Senate in plenary session authorizing Justice and Blue Ribbon Committees to divulge the TSN of the Executive Session held last Sept. 19 in connection with the investigation on the GCTA Law. I have been pushing for this since last week’s hearing,” wika ni Gordon.