Naisumite na umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng mga posibleng hahalili kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay.
Magreretiro na sa darating na Pebrero 4 si Gapay, na itinalaga bilang pinuno ng hukbong sandatahan noong Hulyo ng nakalipas na taon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, posibleng ngayong linggo na malaman kung sino ang susunod na hihirangin bilang AFP chief.
Sinasabing ilan sa mga posibleng kandidato bilang kapalit ni Gapay ay sina Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo Burgos, at iba pang mga area commanders.
Dadaan sa mabusising pag-aaral ng AFP Board of Generals ang mga seinor military officials na napiling irekomenda kay Pangulong Duterte.