-- Advertisements --

Isinumite na ang report mula sa Senate commitee of the whole sa Office of the Ombudsman na naglalaman ng listahan ng mga indibidwal kabilang ang ilang Customs at Agriculture officials na umano’y sangkot sa agricultural smuggling.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nakalagay aniya sa naturang kopya ng committee report ang rekomendasyon ng buong committe ng Seando kung sino ang mga dapat na kasuhan.

Paliwanag ng Senador na kailangang maibigay ang kopya ng report sa Ombudsman dahil trabaho anila na imbestigahan at maghain ng karampatang kaso laban sa mga mapapatunayang sangkot sa illegal importation ng mga agricultural products sa bansa.

Nagbanta naman ang Senador na mapipilitan aniya ito na ilabas lahat kapag patuloy na itatanggi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na sila ang nagbigay ng naturang listahan sa kaniyang opisina.

Nitong Martes, itinanggi ni NICA Director Edsel Batalla na ang mga pinangalanang mga suspected smugglers at protectors na binanggit sa Senate committee of the whole report ay hindi mula sa kanilang ahensiya, ito ay matapos na batikusin sila ng dalawang Senador dahil sa hilaw na impormasyon na kanilang isiniwalat sa Senate panel.

Giit naman ng outgoing Senate president na mayroon siyang records ng pagbisita ng NICA officials sa kaniyang opisina kung kailan anila ibinigay ang impormasyon sa kaniya.

Maalala na base sa Senate committee of the whole report na nasa 22 personalidad kabilang na si Customs Commissioner Rey Guerrero at ilang Customs at Agriculture officials na natukoy bilang protectors at smugglers ng agricultural products.

Base ito sa intelligence report na natanggap ni Sen. Sotto noong May 17, 2022 na naglalaman ng validated list ng mga personalidad na sangkot umano sa illegal imporation ng agricultural products sa bansa.

Subalit ilan dito kabilang si Customs chief Guerrero ay mariing itinanggi na sangkot sila sa agricultural smuggling.

Top