-- Advertisements --
eduardo del rosario
Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario

Good news sa mga may utang sa Pag-IBIG fund at mga pabahay dahil pinalawig ng tatlong buwan ang moratorium para sa kanilang mga bayarin.

Kinumpirma ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario na sakop nito ang mga housing loans sa mga state agencies at government-owned and controlled corporations na kinabibilangan ng Pag-IBIG Fund, National Housing Authority, National Home Mortgage Finance Corp at Social Housing Finance Corp.

Paliwanag ni Del Rosario, ibig daw sabihin nito na ang monthly dues mula March 16 hanggang June 15, 2020 ay postponed muna at magsisimula na ang pagbayad sa buwan ng Hulyo.

Aniya, bahagi ng moratorium ang short-term at calamity loans sa Pag-IBIG fund.

“Nagkaroon tayo ng suspension para yong ating mga kababayan na naghihirap ngayon sa panahon ng COVID ay hindi na sila maghanap ng pera na pambayad sa hulog sa bahay o sa kanilang short term loans at instead magamit nila ito sa pangangailangan sa pagkain,” ani Sec. Del Rosario.

Housing pabahay NHA Pag ibig
NHA housing projects

Una nang nag-extend din ang mga bangko, mga landlords at utility providers sa mga bayarin bilang pagsunod na rin sa batas ng Bayanihan to Heal as One Act, habang nasa ilalim ang bansa sa coronavirus crisis.