Nagtapos na ngayong araw ang dalawang linggong Ph-US Balikatan Exercises 2019.
Pinangunahan ito nina Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Benjamin Madrigal at Defense Usec. Cardoso Luna.
Kapwa nagpasalamat sina Ph-US Balikatan Exercise Directors Lt Gen. Gilbert Gapay at US Marine Corps, Commanding General, III Marine Expeditionary Force Lt. Gen Eric Smith sa matagumpay na joint military war games sa pagitan nila kasama ang Australia.
Sa mensahe ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na binasa ni Usec. Cardozo Luna sa closing ceremonies ng event kaninang umaga, pagpapamalas ito ng “commitment†ng Pilipinas sa “peace and stability†sa Indo-Pacific Region.
Ayon kay Lorenzana, ang “mutual commitment†ng Pilipinas at Estados Unidos sa kapayapaan sa rehiyon ang pinakamahalagang aspeto ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Dagdag pa nito na sa mga exercises ay pinatunayan ng mga tropang Pilipino at Amerikano na patuloy silang tatayo ng “shoulder to shoulder†sa gitna ng mga hamong panseguridad sa rehiyon.
Naging highlight sa event ang live fire exercise at amphibious landing exercise.