Tinawag ng kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un ang ginawang live fire drill ng South Korea bilang ‘suicidal hysteria’, kasabay ng babalang haharap ang South ng matinding pinsala.
Ginawa ng presidential sister ang babala kasabay na rin ng resumption ng South Korea sa kanilang firing exercises malapit lamang sa border ng dalawang Korea.
Kinwestyon din nito kung bakit isinagawa ang drill malapit lamang sa border.
Ayon sa presidential sister, kung matutukoy ng NoKor na ang ginawang drill ng SoKor ay paglabag sa soberanya nito, at ang ginawang drill ay katumbas ng declaration of war, tiyak aniyang tutugon din ang militar ng North.
Nakahanda aniya ang armed forces ng NoKor na gawin ang misyon at duty nito salig sa itinatakda ng kanilang saligang batas.
Sa kabilang banda, nanindigan naman ang Defense Ministry ng SoKor at iginiit na magpapatuloy ang live fire drill, batay sa nauna nang itinakda ng pamahalaan.
Gayunpaman, hindi na tinukoy ng Defense Ministry kung saan pa ipagpapatuloy o kung kailan muling itutuloy ang firing exercises.