-- Advertisements --

ROXAS CITY – Dead on the spot ang live-in partner ng nanalong kapitan sa Barangay Poblacion Elizalde, President Roxas, Capiz, matapos pinagbabaril-patay ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Sandra Baluco isang manager ng insurance company.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMAJ. Rachelle Garnica hepe ng President Roxas Municipal Police Station sinabi nito na ba-se sa mga nakakita sa insidente, magpapark sana ng motorsiklo ang biktima ng bigla na lamang itong pinagbabaril ng 4 na beses sa ulo kadahilanan ng pagkatumba nito.

Napag-alaman na mag-isa lamang ang suspek na nakasakay sa motorsiklo, nakasuot ng puti na jacket, pula na t-shirt at may taas na 5’4.

Matapos ang pamamril sinabi ng mga nakakita na pinulot pa ng suspek ang mga basyo ng bala at mabilis na umalis papunta sa direksyon ng bayan ng Pilar.

Dagdag pa ni Garnica na meron na silang tininingnan na angulo kung saan isa ito sa kanilang tinututukan.

Sa ngayon patuloy pa ang pagsasagawa ng hot pursuit operation ng President Roxas City MPS, para makilala at matuntun ang kinaruruunan ng suspetsado.