-- Advertisements --

Sasailalim sa drug test ang suspek sa pamumugot sa kaniyang live-in partner na nangyari kaninang hapon sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District Batasan Police Station 6 Commander P/Lt.Col Joel Villanueva ang suspek na si Alejandro Baltazar Llano, 34, ng Barangay Batasan Hills.

Natukoy naman ang biktima na si Maricel Alejo.

Nabatid na bago pinugutan, binaril at pinagsasaksak pa ng salarin ang babae.

Nagawa pa nitong i-hostage ang anak na nasa tatlong taong gulang pa lamang.

Selos ang isa sa mga anggulong tinitingnan sa nasabing kaso.