-- Advertisements --
poe
Philippine Senator Grace Poe gestures as she speaks to her supporters to declare her presidential candidacy in Manila on September 16, 2016. The adopted daughter of Philippine movie stars launched her presidential campaign on September 16, banking on her parents’ celebrity status to catapult her past the nation’s most powerful politicians. AFP PHOTO / JAY DIRECTO

Muling isinusulong ni Senadora Grace Poe ang selfie requirement matapos ibunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang pagdinig sa Senado na nagawang magparehistro ng isang SIM gamit ang pekeng government ID na may litrato ng isang unggoy.

Bago ito, ilang beses na nagsagawa ang mga awtoridad sa mga cybercrime hub kung saan libong SIM cards ang nadiskubre na pawang pre-registered at naglalaman ng e-wallet na ginagamit ng mga sindikato sa kanilang scam operation.

Hinimok di ng Senadora ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno at kumpanya ng telekominikasyon na gawing isang requirement na ang “selfie” sa proseso na pagpaparehistro ng Subscriber Identification Module (SIM) bilang pananggalang laban sa fraud at scamming.

Ayon kay Poe, ang selfie o pagkuha ng sariling litrato, ay dapat maging bahagi na ng implementing rules and regulations (IRR) o Republic Act 11934 or the SIM Registration Act.

“Kahit nandyan na ang SIM Registration law, hindi nawala ang scammers. Kaya pakiusap ko na isama na ang live selfie sa requirement ng registration,” sabi ni Poe.

“Ang batas ay ginawa para mas pangalagaan ang ating mga kababayan laban sa mga manloloko,” dagdag pa niya.

Umaasa si Poe, may-akda at isponsor ng nasabing batas, maglalabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng pinatibay na IRR na mas magiging epektibo sa pagsugpo sa mga scam.

Subalit paalala ni Poe, dapat matiyak sa IRR ang proteksiyon ng mga subscriber laban sa privacy violations.