-- Advertisements --
image 516

Mandatoryo na sa mga mobile user na kumuha ng live selfies bago maaprubahan ang kanilang aplikasyon para sa pagpaparehistro ng SIM card.

Ito ang ibinunyag ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isinagawang pagdinig ng Sente finance subcommittee sa panukalang pondo na P8.7 billion ng DICT para sa susunod na taon.

Ayon sa NTC, nag-isyu ito ng isang memorandum order na nagoobliga sa mga telco na isama ang live selfies bilang requirement sa SIM registration.

Base sa memo, hindi na papayagan pa ang stock photos bilang requirement sa pagpapatala ng SIM card.

Sinimulan na rin ng NTC ang flagging system kung saan dapat na ireport ng telcos ang mga indibidwal na nagpapatala ng mahigit 5 SIM card at mga negosyo o juridical entities na nagpaparehistro ng mahigit 100 SIM.

Ang mga mobile user na hindi tutugma ang mga impormasyon sa identification document ay mahaharap sa posibleng immediate hearing o pansamantalang deactivation ng kanilang account.