Muling nagpaliwanag si Usec. Rosario Vergeire sa hindi pag-apruba ng Department of Health (DOH) sa testing facility ng Marikina City.
Ayon kay Vergeire, kailangan ng restricted access sa pasilidad dahil nakakahawa ang specimens for testing.
“Tandaan nating lahat, ang specimens na kinukuha sa ating mga kababayan kapag sila ay tinest ay live virus.”
“Kaya’t kung ang laboratoryo nila ay nakahiwalay, o makahanap tayo ng free space sa ibang opisina, hindi natin itataas ang risk para ma-expose ang mga taga-Marikina sa ganitong pagkakataon.”
Sa ngayon patuloy ang koordinasyon ng ahensya at Marikina LGU, kasama ang ilang donors na gustong maging posible ang operasyon ng COVID-19 testing laboratory facility sa lungsod.
“Hindi tayo tumututol sa pagtayo ng sariling laboratoryo ng Marikina.”