CENTRAL MINDANAO-Mahigit 144 na mga kambing ang natanggap ng 48 na indibidwal na nagmula sa Bayan ng Midsayap, Aleosan at Pikit Cotabato sa isinagawang Livestock Dispersal Program ni Governor Emmylou “Lala”Taliño Mendoza ngayong.
Naging benepisyaryo ng naturang Livelihood assistance ang mga miyembro ng 4-H Club, Municipal Agricultural and Fishery Council , Rural Improvement Club (RIC) at mga naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) kung saan bawat isa ay nakakuha ng 2 babae at 1 lalaking Kambing.
Bago naipamahagi ang mga alagang hayop ay nagkaroon ng isang orientasyon sa tamang pagpapalaki ng kambing ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) sa pangunguna ni Dr. Belinda Agosto Gornez.
Layunin ng Animal Dispersal Program ni Governor Mendoza na makatulong sa pangkabuhayan ng bawat Cotabateño na lubos na nangangailangan.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Dating Board Member Rose Cabaya bilang representante ni Governor Mendoza at Municipal Councilor ng bayan ng Aleosan na sina Jason Niel Clyde Cabaya at Omar Unggui.