-- Advertisements --
Dorian
Dorian/ Pagasa image

Napanatili ng tropical storm Liwayway ang kaniyang lakas habang binabagtas ang north-northwestward ng karagatan ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa may 255 km silangan ng Calayan, Cagayan.

May taglay itong hangin ng hanggang 85 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 105 kph.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 ang Batanes.

Dagdag pa ng ahensya na bagamat hindi na ito magla-landfall ay magdudulot pa rin ito ng pag-ulan sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Panay Island, Guimaras at ang natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.