-- Advertisements --
Asahan ang lalo pang paglakas ng tropical depression “Liwayway” ngayong maghapon.
Ayon sa Pagasa, aabot ito sa tropical storm category at maghahatid ng malalakas na pag-ulan sa malaking parte ng ating bansa, dahil sa outer rain band nito at sa hanging habagat.
Pero nilinaw nilang hindi ito magkakaroon ng landfall.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 450 kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Norte o 325 silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
May lakas ito ng hanging 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito ng pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.