-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Liwayway habang ito ay papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 420 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong 140 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 170 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Kahit makalabas sa PAR, patuloy pa rin nitong palalakasin ang hanging habagat.
Samantala, patuloy naman ang paglapit sa Pilipinas ng isang low pressure area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 860 km sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.