-- Advertisements --
Lumakas pa sa nakalipas na magdamag ang typhoon Liwayway habang ito ay papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Bagama’t wala na itong direktang epekto sa alinmang parte ng bansa, pinalalakas naman ng bagyo ang umiiral na habagat sa Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 490 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 155 kph at may pagbugsong 190 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 10 kph.
Samantala, pinag-iingat din ng Pagasa ang mga residente ng Mindanao dahil sa mga ulang dala ng low pressure area (LPA) extension.
Huling namataan ang LPA sa layong 940 km sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.