-- Advertisements --
Inalis na ng Pagasa ang lahat ng signal warnings kaugnay ng bagyong Liwayway, kasabay ng paglayo nito sa Pilipinas.
Ayon sa Pagasa, wala na itong direktang epekto sa bansa, ngunit magpapaigting pa rin sa umiiral na hanging habagat.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 305 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang typhoon Liwayway sa bilis na pahilaga sa bilis lamang na 10 kph.
Taglay na ngayon ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 130 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 160 kph.