Maya’t maya na ang pag-post ni Liz Uy ng kanyang mga larawan kung saan malaki na ang baby bump nito.
Ito’y ilang araw matapos isapubliko na siya ay buntis sa second baby nila ng negosyante at ngayo’y official husband na niyang si Raymond Racaza.
Nariyan ang posing ng 38-year-old stylist kung saan nakahalik sa kanyang tiyan ang panganay na anak na ngayon ay three years old na.
Mayroon ding solo picture kung saan siya ay nakapormang pang-workout, at mayroon ding family picture.
“Since then, I have slowly gotten back to working out. I discovered that Pilates is good for me. I’ve been easing back into work as well, overseeing my team at Stylized Studio and Mood. I started talking to friends and family again. I spend more time with my boys, Xavi and Raymond,” saad nito sa The Philippine Star noong unang beses ianunsyo ang pagdadalang-tao.
Wala itong direktang pagbanggit hinggil sa detalye ng naging pag-iisang dibdib ngunit tinawag na na nito si Racaza bilang kanyang “husband.”
“Best of all, I have a husband who makes motherhood an even greater journey. There is love, and there is unconditional love that I share with Raymond and Xavi, and soon enough, with our second child,” dagdag nito.
Nitong Oktubre lang nang ianunsyo ni Uy na siya ay engaged na sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang solo picture habang suot ang singsing.
Kung maaalala, naging kontrobersyal ang panganganak ni Uy noong 2018 dahil sa umano’y isinikreto lalo’t pamilyado na ang nasabing negosyante pero kinalaunan ay naiulat na annuled na.
Si Uy ay dating girlfriend ng aktor na si John Lloyd Cruz at na-link din kay dating Pangulong “Noynoy” Aquino.