-- Advertisements --

Inireklamo ni Liza Dino-Esguerra, dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na nawalan siya ng mamahaling relo at laptop mula sa kanyang checked-in luggage nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules, Marso 28, 2025.

Ayon kay Dino-Esguerra, na partner ni Aiza ”Ice” Seguerra, hindi niya agad na-check ang laman ng maleta pagdating nila sa bahay. Nang buksan ito, ‘wala na ang dalawang gamit.

Sinabi pa ni Ice Seguerra na napansin nilang may hiwa ang maleta na parang ginamitan nang kutsilyo. Paliwanag ni Dino-Esguerra, inilagay niya raw ang mga gamit sa checked luggage dahil sa limitasyon ng timbangan sa carry-on.

Paliwanag ng paliparan at mga awtoridad, ‘walang natagpuang ebidensya na nagbigay linaw sa nangyari.

Ngunit ayon sa pamunuan ng paliparan na babayaran ang mamahaling relo ng kasintahan ni Ice Seguerra pero hindi kasama ang laptop.

Hinimok ni Dino-Esguerra ang mga awtoridad na maging mas maagap sa pag-resolba ng mga insidente ng pagnanakaw sa NAIA.