Nagpahayag ng saloobin si Liza Diño tungkol sa insidente kung saan nawalan ito ng mamahaling relo at laptop mula sa kanyang checked luggage matapos ang flight mula San Francisco papuntang Manila.
Sa kanyang pahayag, napansin na lang umano nito na may sira ang kaniyang maleta, na tila indikasyon umano ng hiniwa ng matalim na bagay.
Inamin ni Diño na nilagay niya ang mga gadget niya sa kanyang maleta dahil puno na ang kanyang backpack dahil sa ibang dalang laptop.
‘Nakakatakot na feeling kasi grabe, I’ve been traveling for the last 30 years. First time ko na-experience ‘yung gano’ng kinuha sa loob ng maleta ko,’ wika ni Diño
Binanggit din niyang hindi nila tiyak kung nangyari ang insidente sa Pilipinas o sa Estados Unidos, ngunit sinabi niyang kung ginawa ito ng Transportation Security Administration (TSA) sa US, magbibigay sila ng notice of inspection.
Nakipag-ugnayan narin aniya ang Philippine Airlines sa kanila at nag-alok umano ang airline na babayaran na lang umano sila para sa mga nawawalang mamahaling gamit ngunit hindi umano kasama ang laptop.
Samantala humiling naman si Diño ng agarang aksyon para sa mga awtoridad ng NAIA upang matugunan ang iba pang mga insidenteng tulad nito at magtakda aniya ang pamunuan ng paliparan ng mga tamang protocol para sa mga ganitong kaso.
‘We need to take this as a point of action of our authorities sa NAIA na kapag may ganitong incident na nanakawan ‘yung bag mo mismo, how do they get in touch with that airport and ano ‘yung protocols nila,’ dagdag pa ni Diño.