-- Advertisements --
Masayang inanunsiyo ni Liza Diño na siya ay itinalaga bilang national coordinator ng National Coordinator for Asia of European Audiovisual Entrepreneurs (EAVE), isang international organization para sa mga audiovisual producers.
Sa social media account nito, labis na ikinatuwa nito ang pagpili sa kaniya.
Handa na umano siyang maging representative ng Asya sa global stage.
Isa lamang siya sa 17 industry professionals mula sa Asia, Austria, Bulgaria, Croatia, Denmark, Estonia, Finland, Germany, Hungary, Italy, Poland, Romania, Turkey, United Kingdom, Canada, USA, and Central at South America na magtatrabaho para mapalakas ang global film industry.