-- Advertisements --
Liza Soberano
Liza Soberano/ iG post

Hangad ni Liza Soberano na magsilbing leksyon sa mga mahilig magbiro hinggil sa panggagahasa, ang pormal niyang pagdemanda laban sa isang netizen.

Ayon kay Liza o Hope Elizabeth sa tunay na buhay, dapat ay manatili pa rin ang respeto kahit na may kalayaan ang lahat sa kani-kanilang opinyon online.

“Below the belt” na aniya ang ganoong uri ng biro na hindi niya kailanman magugustuhan kay hindi rin dapat balewalain.

“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape,’” saad ni Soberano.

Kasama ng 22-year-old actress ang kanyang manager na si Ogie Diaz at abogadong si Jun Lim, nang pormal na sumumpa kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion sa Quezon City Hall of Justice kaninang umaga.

Una nang inamin ni Liza na kahit tahimik lang siya ay nangangamba rin sa kaligtasan dahil malinaw na naka-record na ang kanyang address sa Converge Telecommunication.

Ugat ng nasabing rape threat ay sa pamamagitan ng simpleng pagkomento, bagay na agad nag-trending lalo’t marami ang nakapag-screenshot nito kahit burahin pa.

Dito ay tila napikon kay Soberano ang nagbanta kasunod ng reklamo hinggil sa pangit na serbisyo.

Sa panig ng nagngangalang Melissa Olaes, aminado ito na naging insensitive sa usapin ng RAPE at hindi raw nito akalain na ang “random thought” lang sa kanya ay makakasakit pala sa kapwa.