-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagsimula ng makipag-usap ang League of Municipalities of the Philippines sa isang factory ng COVID-19 vaccine sa China para sa procurement ng bakuna ng mga local chief executives.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay LMP President at Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson, kung aasa lamang sa national government ay posibleng abutin ng 20 taon bago mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino.

Iginiit rin ng alkalde na nagsisilbi lamang siyang tulay ng mga alkalde sa bansa subalit hindi makiki-alam sa magiging presyo nito.

Samantala, pinayuhan rin ni Singson ang mga kapwa alkalde na huwag gawing negosyo ang vaccine procurement dahil hindi panahon ng pagnenegosyo ang pandemya.

Naibatid na rin umano ang naturang impormasyon kay Health Sec. Francisco Duque subalit hindi pa naaaprubahan ang direktang pagbili ng bakuna ng mga LGUs sa mismong kumpanya.

Samantala, nakahanda na rin ang pondo ng mga LGUs para sa naturang programa.