-- Advertisements --
VIGAN CITY – Ipinapakonsidera ni League of Municipalities President at Narvacan Mayor Luis Chavit Singson sa Department of Health bilang frontliner ang mga mayor sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Singson, tatalima sila sa lahat ng programa ng national government ngunit kailangan ikonsidera bilang mga frontliner ang mga mayor dahil sila ang lumalabas tuwing may mga kalamidad at responsable sa lahat ng pangyayari sa kanilang nasaskopan.
Aniya, hindi umano kailangang sisihin ang mga mayor na nagpabakuna dahil gusto lamang ng mga ito na tulongan ang gobyerno sa paghikayat sa mga tao na magpabakuna.
Sinabihan na ng opisyal ang mga mayor na miyembro ti LMP na wag munang magpabakuna sa gitna ng nasabing usapin.