-- Advertisements --
CEBU DEPED

Inilabas ng Department of Education ang isang kautusan na may layuning taasan ang buwanang load allowance ng mga educational officials ng ahensya.

Ito ay sa kabila pa rin ng epekto ng COVID-19 sa bansa at bilang pagkilala na rin sa serbisyo ng mga ito sa larangan ng edukasyon.

Binigyang diin sa naturang DepEd Order No. 2 na pirmado mismo ni Vice President at kasalukuyang Education Secretary ang kahalagahan ng mga messaging application at virtual meeting platforms.

Sinabi pa ni VP Sara na kailangan ng Mobile data upang makarating ng mabilis ang mga data at impormasyon na kinakailangan.

Batay sa kautusan, magbibigay ang ahensya ng P8,000 para sa postpaid at prepaid habang nasa P7,000 naman ang ipagkakaloob sa Assistant Secretary, P6,000 sa mga Regional Director, P4,000 sa Schools Division Superintendent at P1,500 naman sa mga school head at principals.