-- Advertisements --

Posibleng sa darating na Disyembre magiging available na ang nasa P73 billion na gagamitin sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na siya ring vaccine czar, magkakaroon na ng NEDA Board meeting para sa gagawing proseso at sundan ito ng kanyang meeting sa board ng Asiuan Development Bank (ADB) at World Bank (WB).

Ayon kay Sec. Galvez, kaya bago Disyembre 15 ay available na ang kakailanganing pondo para sa mga bakuna.

Samantala, tumanggi naman si Sec. Galvez na magkomento kaugnay sa sinasabi ni Senate President Tito Sotto III na nabakunahan na laban sa COVID-19 sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.

Sa ngayon, wala pang COVID-19 vaccine ang aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) ng mga bansang may dine-develop na bakuna.