-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng mga negosyanteng apektado ng African swine fever (ASF) virus sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na mayroon silang alok na loan programs para sa mga nasabing negosyante na maaari nilang i-avail.

Katuwang aniya ng DA sa nasabing programa ang Land Bank of the Philippines, pati na ang mga local government units.

Ito ay kasunod ng pagdaing ng mga negosyante na naaapektuhan na ang kanilang pangkabuhayan dahil sa paglaganap ng ASF.

Sa mga backyard hograisers naman na apektado ng sakit, hindi nagbabago ang PHP 5,000 na cash assistance na ibinibigay sa mga ito at mayroon ding loan program na maaari nilang i-avail para sa pagsisimulang muli ng kanilang pangkabuhayan.