Ikinagalak ng Comelec ang naging takbo ng tatlong araw na local absentee voting (LAV), na nagsimula noong Lunes.
Lumalabas kasing nalagpasan ng LAV ang voters turn out noong mga nakaraang halalan.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nagagalak sila sa suporta ng mga guro, sundalo, pulis at media practitioners na nakibahagi sa aktibidad.
Sa hanay pa lang ng militar, mahigit 20,000 na ang bumoto, habang halos ganito rin sa panig ng mga pulis ang nakilahok.
Matatandaang hindi na pinalawig ang tatlong araw na palugit dahil sa iba pang election preparation na kailangan ding asikasuhin ng poll body.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang overseas absentee voting (OAV) na nag-umpisa noong Abril 13, 2019 at magtatapos sa Mayo 13,2019, kasabay ng midterm elections dito sa Pilipinas.