-- Advertisements --
Nagpaalala ang local Comelec office na tatanggapin pa ang local absentee voting (LAV) registration hanggang sa Marso 7.
Ayon sa Comelec, ang local absentee voting ay isang pribilehiyo para sa mga kapulisan, sundalo, guro, iba pang mga empleyado ng gobyerno at mga miyembro ng media na hindi makakaboto sa Mayo 12 elections.
Maaaring magtungo ang mga nais na magparehistro para sa local absentee voting sa anumang Comelec offices.
Ang local absentee voting ay para sa national positions lamang. Isasagawa ang botohan para sa LAV mula Abril 28 hanggang 30 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Pagkatapos ang botohan, seselyuhan ng mga balota saka ipapadala sa LAV division para sa feeding ng mga balota sa automatic counting machine (ACM).