-- Advertisements --

Magsisimula na nga bukas ang local absentee voting (LAV) dito sa Pilipinas, Abril 27 para sa mga hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa kabuuang 84,357 botante ang nakarehistro para sa local absentee voting na magtatagal hanggang sa Abril 29 ng kasalukuyang taon.

Nakapagtala naman ang poll body ng nasa 9,341 indibidwal na hindi naaprubahan ang kanilang aplikasyon dahil hindi nakapagrehistro o deactivated.

Batay sa datos mula sa Comelec mayroong kabuuang 93,698 personnel mula sa military, police, gobyerno at media ang nakapag-apply para sa local absentee voting para sa halalan.

Manual ang paraan ng pagboto para sa local absentee voting kung saan isusulat ang pangalan ng mga ibobotong kandidato para sa national positions mula sa Pangulo hanggang sa Party-list representative.

Manner of Voting:

  • Fill up the ballot secretly;
  • Imprint their thumb marks on the proper space in the detachable coupon of the ballot;
  • Detach the coupon from the ballot and place the same inside the outer envelope;
  • Place the accomplished ballot inside the inner envelope and dose and seal the envelope with a paper seal;
  • Place the sealed inner envelope inside the outer envelope, which shall likewise be sealed with a paper seal;
  • Write their names and affix their signature on the space provided for in the outer envelope; and
  • Submit the sealed envelope to the heads of offices/ supervisors/ commanders or officers next-in-rank, EOs, the PES concerned or RED-NCR, as the case may be.