Tiniyak ng pamunuan ng mga local airlines ang kanilang kahandaan sa pagbuhos ng pasahero na pabalik sa kani-kanilang lugar matapos ang mahabang bakasyon.
Ayon sa isang airline company, lahat ng kanilang mga tauhan ay mananatiling nakaalerto at naka-standby sa mga major airport sa bansa.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na mananatiling smooth ang travel experience ng mga pasahero .
Simula kahapon ay mataas na aniya ang bilang ng mga pasahero na pabalik ng Maynila mula sa mahabang bakasyon noong holiday season.
Batay sa datos ng kumpanya , mula noong Disyembre 16, 2024, hanggang Enero 6, 2025 pumalo sa mahigit 400,000 pasahero ang kanilang na accomodate .
Mas mataas ang numerong ito kumpara sa pasahero na kanilang naasistehan noong nakalipas na taon sa parehong period.