Malugod na tinanggap ng Local Amnesty Board ng Cotabato ang inihaing aplikasyon ng kauna-unahang aplikante para mabigyan ng amnestiya ng Pangulo.
Ito ang kinumpirma ng National Amnesty Commission sa pamamagitan ng inilabas na anunsyo ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity.
Ang naturang aplikante ay nagbalik loob na sa pamahalaan matapos ang ilang dekada na pag-anib sa Moro National Liberation Front.
Ito rin ay may pending na kasong Illegal Possession of Firearms at ang kanyang anak mismo ang nagrepresent sa kanya para mag apply ng amnestiya.
Hindi umano ito personal na makapaghain ng aplikasyon sa Local Amnesty Board dahil sa maselan nitong kondisyon.
Dahil sa hakbang na ito, inaasahan ng kanilang pamilya na hindi makukulong ang kanilang magulang dahil sa amnestiyang ito sakali man na paboran.
Nanawagan naman ang National Amnesty Commission sa lahat ng gustong mag apply sa amnesty program ng pangulo na magtungo lamang sa kanilang mga tanggapan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.