-- Advertisements --
image 32

Nilinaw ng mga lokal na awtoridad sa Coron, Palawan na wala pang nadetect na bakas ng tumagas na langis na nauna ng ibinabala ng mga eksperto na maaaring kumalat mula sa Oriental Mindoro 100 kilometro ang layo bunsod ng lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.

Ayon mismo kay Coron’s Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Engr. Fernando Lopez na walang nakitang anumang oil spill ang mga awtoridad sa lugar matapos nilang puntahn ang lugar na may pinaghihinalaang oil spill na 12 kilometro ang layo mula sa shoreline.

Wala ding iniulat ang mga mangingisda na tumagas na langis.

Subalit hindi naman nito isinasantabi ang posibilidad na marahil ay mahirap na makita o madetect ang oil spill sa kanilang dagat dahil sa rough waves o alon.

Kaugnay nito, nag-request na aniya sila para magsagawa ng aerial survey sa lugar para masuring mabuti ang napaulat na oil spill.

Inihahanda na rin ng mga local authorities ang oil spill booms na gagamitin para ma-contain ang langis na maaaring napadpad sa kanilang lugar.

Una ng sinabi ng UP Marine Science Institute noong Lunes na base sa nakalap na satellite image noong Abril 2 nagpapakita na posibleng malapit sa Coron ang tumagas na langis, nasa 12 kilometro mula sa munisipalidad ng Palawan.

Saad pa ng institusyon na may habang 19 kilometers at 3 kilometro ang lawak ng oil spill sa lugar.
Top