Asahang magiging mas maliit at mas mahal ang lokal na tinapay ayon sa isang ekonomista at mambabatas.
Ginawa ni Albay 2nd district Representative Joey Salceda kasabay ng pagtaas ng mga presyo ng lahat ng pangunahing sangkap ng paggawa ng tinapay gaya ng trigo, itlog at asukal.
Tinawag ito ng mambabatas na shrinkflation kung saan ang produktong tinapay ang pinakamatinding maapektuhan.
Ayon sa ekonomistang mambabatas, ang presyo ng trigo ay pumalo sa 165% kung saan sa puntong ito ang mga breadmakers ay maaaring magtaas ng presyo at mas maliit ang sizes ng mga tinapay.
Nauna ng nagbabala si Salceda noong buwan ng Marso sa mas mataas na presyo ng tinapay sa gitna ng conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakaapekto sa kalakalan ng trigo.
Maging ang presyo ng itlog at supaly ng asukal ay nagkakaroon na ng problema.
Samantala, sinabi ni Salceda na makikipagtulungan ito sa Food and Nutrition Research Institute para makalikha ng isang prescribed guide para sa mga breadmakers upang makagawa ng kaparehong nutritional value sa mas mababang halaga.