CAGAYAN DE ORO CITY- Nasa local transmission na ngayon ang Cagayan de Oro City ng Coronavirus Disease (COVID-19) na kinaharap ng Pilipinas.
Ito ay matapos kinumpirma ni Dr Jose Chan, medical director ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na nahawaan ng COVID-19 ang anak babae ng Patient No.10 na una nang pumanaw habang ginagamot sa syudad noong nakaraang linggo.
Inihayag ni Chan na nahawaan ang 27-anyos na anak ng patient no.40 dahil kabilang ito sa napalapit sa pasyente noong buhay pa habang naka-confine sa dalawang pagamutan sa Iligan City at NMMC ng lungsod.
Bagamat tiniyak ng opisyal na nasa patuloy na lumalaban ang anak babae ng patient no. 40 habang naka-confine sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City, Lanao del Sur.
Una nang inamin ni Chan na dalawa na COVID-19 patient positive ang nilalapatan nila ng medikasyon sa NMMC kung saan isa rito ay mismo ang 71 anyos na negosyante na residente nitong lungsod.
Magugunitang sa hawak na data ng Department of Health -Northern Mindanao,nasa lima na pasyente na ang positibo ng bayrus ang nabigyan ng medikasyon sa NMMC at Amai Pakpak Medical Center kung saan dalawa sa mga ito ay binawian na ng buhay.