-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang local fan group ng BTS member na si Jung Kook dahil sa pagbibigay ng donasyon para sa elepanteng si Mali na nasa Manila zoo.

https://twitter.com/IskoMoreno/status/1301499747367227392

Sinabi ng alkalde na isang malaking tulong ang naibigay ng Golden Alliance PH isang Pinoy fanbase ng K-pop na si Jeon Jung Kook dahil sa kagamitan at pagkain kay Mali.

Ang nasabing elepante at ibang hayop sa zoo ay kasalukuyang inaalagaan aniya ng Public Recreation Bureau ng lungsod.

Magugunitang labis na naapektuhan ang mga hayop sa zoo dahil sa coronavirus pandemic.